Wattpad!

12/18/2012

Hi guys!

I just discovered this little gem of a site the other day. Teehee. It's called Wattpad.
Here's my profile: Kahzumi. Please check it out for me, okay?
At pabasa na rin po ng ibang stories ko! Hahaha. Maganda yung mga yun, pramis. XD

Yung two novelettes ko, mehehe, based on real people.

Eto yung isa oh, entitled Torpe. Remember? Last year ko pa sinulat yan, ngayon ko palang inupload sa net. Para yan sa friend kong si Erika. Hahaha, but in the story, I used Korean actors for the characters, kahit na ang name ay yung original pa rin.

Oh see? Haha, I honestly think it looks pretty cute.
And then the other one is entitled Drowning in Love, Para kay Ariadne naman yan. Hahaha.



Gagawa na rin ako ng story nyan para sa iba kong friends. Medyo madami-dami ang requests. XD Mahilig kasi magpakwento mga yun, at ginagamit nila ang imagination ko para sa kilig stories at horror ones na rin. Hahaha.

Yan lang naman ang point ng post na to, para mag-advertise. Although I don't get why I'm advertising here,  wala rin naman halos nakakaalam ng blog na to. Hindi ko kasi sinasabi na may blog ako e.

Nahihiya naman akong magpost sa FB para basahin ng marami. At nahihiya rin ako sa Twitter mag-tweet ng tungkol sa story ko. Kaya dito nalang ako magpropromote! Mehehehe. :3

Thanks guys. :")

-Ran

P.S. Oo, alam ko may read more pa. Hahaha. Bala ka kung gusto mo click. :3



Meet my *drumroll* baliw na barkada! Hahaha.

Wacky. Hahaha. :) Look oh, ako lang naka-long gown! Hmph.

Hi friends! Hahaha, ganda namin noh? JOWK. XD

Yan ang complete tropa. Nagtatakaran at naggagandahang mga dilag. Wahahaha. Ampiling lang. At ayun si Shai, ang baby ng group. Siya lang ang di matangkad. :) Wala sya sa first 2 pics, sya ata yung nagpicture. XD

At yan ang barkada ko. Hahaha. Kahit baliw yang mga yan, kahit makulit, maarte, at nakakairita sila minsan, love na love ko mga yan! XD (Love ko rin ang aking isa pang tropa, sina Mia, Mica and Sha! :*)

Lahat sila gagawan ko ng story. :) Special requests. At ang characters? Syempre sila at ang crush nila! Puro singit lang ang roles ko. Kasi naman, ang awkward pag AKO yung gagawa ng story about ME and MY CRUSH diba? :)

Eto pa pending ko oh:
"One More Time" - Christel
Hindi inaakala ni Christel Santos na posible siyang mainlove sa taong yun. Dati na siyang niligawan ni *toot* ngunit binasted niya ito. Bakit kung kelan nakakamove-on na ito sa kanya, bigla naman mag-iiba ang feelings nya?

"Flawlessly Flawed" - Erica
 Erica Aquino- Matalino, maganda, mabait. Siya ang perfect girl ng mga kalalakihan sa campus nila. But Ms. Perfect has one flaw. She can't stand little kids and pets. But what happens if she falls in love with pet lover and big brother to 5 sibs, *toot*?
"Leaving It All To Love" - Shaira
Matagal nang hinahabol ni Shaira Mendoza ang atensyon ng campus heartthrob at basketball varsity na si *toot* Paano kung mapansin nga sya nito, but not in the way she intended?

"Spending" - Arren
Naniniwala ka ba sa end of the world? Arren Samson doesn't, but it seems like her bestfriend and secret crush, *toot* has decided to believe the Mayan prophecy and starts spending his days na parang magugunaw na ang mundo. Pero tutulungan kaya ito ng Arren sa kanyang pagcoconfess sa crush bago ang end of the world?

"Paramour" - Pauline
 Paboritong banda ni Pauline Lim ang bandang Paramore. Nakaagawan niya sa mall ang isang lalaki sa nag-iisang album ng banda sa music store. Before she could realize it, Pauline has become this guy's "paramour".

Wahahaha, andami pa nyan. Pero pag naka-mood ako... sisimulan ko talaga mga yan. :) May mga naisip na akong plots e, as you can see. Corny pa noh? Iiimprovise ko yan when I get the chance --and the inspiration na rin. Bwahahaha.

Sige, toodles! :)

P.S. Don't forget to check out my story! :)

You Might Also Like

0 berries

Have some thoughts, opinions, or experiences to share? ^_^

(c) otometwist 2016. Powered by Blogger.